--Ads--

Ang dami na ngang nasasabik na makita ulit si Heart Evangelista sa Paris Fashion Week.

Ayon sa sa kaniyang mga tagahanga, iba ang dating ng naturang Fashion Week kapag dumadalo si Heart na talaga namang pinag-uusapan sa Pilipinas.

Tila hindi kasi umano interesado ang mga Pinoy sa Paris Fashion Week kung wala si Heart. Pero ‘pag may Heart, automatic umano na agad na nasusundan ang mga pangyayari sa Paris, dahil na rin sa mga reel na ginagawa at pinu-post ng actress-model.

Kamakailan ay pinasilip din ni Heart ang puwedeng asahan sa kanya sa Paris Fashion Week.

--Ads--

Pero siyempre, masaya ang mga fans ni Heart, lalo na sa punto na kapag uma-attend siya ng mga fashion week ay palagi siyang nagdadala ng something mula sa Pilipinas, na ginagamit nga niya sa mga events doon.