--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na rin ng Public Order and Safety Division (POSD) ang mainit na panahon na maaaring magdulot ng heat stroke para sa mga personnel na naka assign sa field.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na magkakaroon ng pag-pupulong para sa pagpapatupad ng heat stroke break period at water breaks para sa personnel na nakatalaga sa pagmamando ng trapiko.

Aniya dahil sa inaasahang iinit ang panahon at muling tataas ang tiyansa ng heat stroke ay mahigpit nila itong oobserbahan para na rin sa kaligtasan ng kanilang personnels.

Sa katunayan aniya ay may personnel na siya na nabiktima ng heat stroke na kinailangan pang dalhin sa St. Luke’s Medical Center habang ang isa naman ay mapalad na nakarekober.

--Ads--

Labis aniyang nakakabahala para sa kalusugan ang napaka-init na panahon na bigla na lamang nagbabago kaya naman dapat tutukan ang kalusugan ng bawat isa at magkaroon ng regular checkups.

Pinag-aaralan din ang magiging routine duties kung saan mag kakaroon ng reliever ang mga field personnels o traffic enforcers para sila ay mabigyan ng pagkakataong makapag pahinga.