--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakakaranas ng matinding heat wave ang California partikular sa bahagi ng Los Angeles sa Estados Unidos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Isidro Madamba Jr sinabi niya na dahil sa matinding init ng panahon ay nagbaba na ng kautusan ang mga otoridad para maiwasan ang mga sakit dulot ng init ng panahon partikular ang heat stroke.

Aniya nararanasan naman ang heat wave tuwing summer hindi lamang sa California kundi maging sa Northeast at Midwest sa Amerika.

Base naman sa datos ay aabot na sa 110 degrees farenheight o katumbas ng 43 degrees celsius ang init sa Amerika.

--Ads--

Mayroon na din naitatalang mga nasasawi dahil sa heat wave at noong nakaraang taon ay nakapagtala ng 11,000 na casualty ang Amerika dahil sa matinding init

Pinapayuhan naman na ang publiko na huwag magbabad sa initan at manatili sa mga malalamig na lugar.