--Ads--

Tuluyan nang aalis si Heeseung bilang miyembro ng South Korean boy band na ENHYPEN.

Matapos ang masusing pag-uusap sa pagitan ng management at ng mga miyembro tungkol sa direksiyon ng grupo, napagdesisyunan nilang igalang ang kagustuhan ni Heeseung na tahakin ang sarili niyang landas sa musika.

Magpapatuloy ang ENHYPEN bilang anim na miyembro na lamang: sina Jungwon, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo, at Ni-ki.

Sa Weverse, nagbahagi si Heeseung ng isang handwritten letter kung saan personal niyang kinumpirma ang kanyang pag-alis. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kapwa miyembro at sa fandom ng grupo na tinatawag na ENGENE.

--Ads--

Ayon sa kanya, ang anim na taon na kanyang ginugol kasama ang grupo ay puno ng mahahalagang alaala. Ipinahayag din niya ang kanyang hangarin na patuloy na suportahan ang ENHYPEN kahit wala na siya sa grupo.

Dagdag pa ni Heeseung, patuloy siyang magsisikap upang makabalik balang araw bilang mas mabuting bersiyon ng kanyang sarili.

Si Lee Heeseung, 24 anyos, ay naging bahagi ng ENHYPEN noong Nobyembre 2020 matapos siyang mapili sa survival show na I-LAND.

Kilala ang grupo sa kanilang vampire-inspired na konsepto sa musika at visuals, at mayroon silang malawak na international fanbase.