--Ads--

Naghain ng not guilty plea ang ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways sa Sandiganbayan 4th Division kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanila.

Ito ay kaugnay sa kanilang pagkakadawit sa maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 million pesos.

Kabilang sa naghain ng not guilty plea sina daring Bulacan district engineers Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at cashier Christina Pineda na pawang co-accused ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla.

Samantala, itinakda naman sa February 9 ang arraignment sa kaso ni dating Senador Bong Revilla at mga kasamahan nito na kapwa akusado.

--Ads--

Habang itinakda sa February 13 ang pre trial bago ang pagsalang sa pre-trial sa February 19.