--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ng heroes welcome ang mga miyembro ng 45th Infantry Battalion Philippine Army  na bumalik na sa Isabela mula sa maraming taon na pagkakadestino sa Jolo, Sulu.

Mainit na sinalubong ng mga kapamilya at mga opisyal ng 5th Infantry Division Philippine Army ang 75 na miyembro ng 45 Infantry Battalion na galing sa Jolo, Sulu.

Sila ay sakay ng dalawang C130 plane na lumapag dakong alas dos ng hapon, November 3, 2018 sa Cauayan City airport.

Ang 45th IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Alaric Delos Santos ay 8 taon na namalagi sa Mindanao partikular sa Lanao area at Sulu para sa pagbaka laban sa Abu Sayyaf.

--Ads--

Naging emosyonal ang kanilang mga kapamilya sa pagsalubong sa kanila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Jefferson Somera, hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, sinabi niya na sasailalim muna sa retraining ang mga kasapi ng 45th IB bago sila maitalaga sa sakop ng 5th ID sa region 2 at Cordillera  Administrative Region (CAR).