--Ads--
Isang high-altitude daredevil mula Belarus ang nakapagtala ng Guinness World Record matapos magsagawa ng sky surfing sa ibabaw ng Mount Everest — tumalon siya mula sa helicopter sa taas na 20,945 talampakan.
Si Olga Naumova, na 15 taon nang nagsasagawa ng sky surfing, ay tumalon mula sa helicopter sa Syangboche, Nepal upang masungkit ang record para sa pinakamataas na altitude sky surf jump.
Matapos lumabas sa helicopter sa taas na 20,945 talampakan, nanatili siyang kontrolado sa kanyang board hanggang sa buksan ang parachute at ligtas na lumapag sa 12,356 talampakan.











