Iminungkahi ni Navotas Rep. Toby Tiangco sa National Bureau of Investigation (NBI) na magpadala na ng high-level delegation sa International Criminal Police Organization (Interpol) headquarters sa Lyon, France, upang mapabilis ang paglalabas ng red notice laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Sinabi ni Tiangco na dismayado siya dahil Nobyembre 23 pa inihain ang request at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring resulta na karaniwan ay 3-4 na linggo lamang.
Nitong Enero 29 nang ihain sa Korte Suprema ang petisyon ni Co na pinanumpaan niya sa presensya ng notary public sa Nacka, Stockholm Sweden.
Sabi naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nasa Portugal si Co at iisyuhan ng “red flag” ang foreign passport nito upang pigilan siya sa border control.
Nanawagan din siya sa mga awtoridad na gawin ang lahat ng paraan gaya ng direct engagement kung wala pa ring nangyayari.











