CAUAYAN CITY– Dinakip ang isang incumbent barangay kagawad na kakandidatong barangay kapitan sa Santiago City sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang dinakip ay si Barangay Kagawad Eugenio Gener De Leon, 53 anyos, may-asawa, residente ng Mabini, Santiago City, isang high value target ng PDEA at PNP.
Si De Leon ay nakapaghain na ng kanyang Certificate of Candidacy sa posisyong barangay kapitan ng Mabini, Santiago City.
Nagsagawa ng drug buy bust operation ang magkasanib na puwersa ng Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit at Santiago City Police Office laban sa suspek
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 2 heat sealed sachet ng hinhinalang shabu at P/5,000.00 marked money.
Si De Leon ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya.
Sasampahan ng kasong paglabag sa section 5 at section 11 ng Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si De Leon.




