--Ads--

Inamin ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na nakatanggap siya ng ulat nitong nakalipas na dalawang linggo kaugnay ng higit sa 100 ghost at “very substandard” projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects, kinumpirma ni DPWH Sec. Vince Dizon na mula nang maitalaga sa naturang posisyon, nakatanggap ang ahensiya ng 100 sumbong ng mga ghost at substandard na mga flood control projects.

Sabi ni Dizon, ang mga iregularidad ay hindi lang nadiskubre sa Bulacan kundi sa mga lalawigan ng La Union, Oriental Mindoro, Nueva Vizcaya, Easter Samar at maraming pang lugar sa Mindanao.

Aniya, agad silang nagsagawa ng inspkesiyon at nakipag-uganayan na rin sa sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na binuo ni Pangulong Bongbong Marcos para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

--Ads--

Ayon pa kay Dizon, sa ngayon ay nakapagsampa na ang DPWH ng kaso sa 26 indibidwal kabilang na ang mga DPWH officials na sangkot at ilang contractors gaya ng mga Discaya at may-ari ng Wawao Builders.