--Ads--

Halos 2,400 golden retrievers kasama ang kanilang mga amo ang nagtipon sa Bosques de Palermo, Buenos Aires, na itinuturing na pinakamalaking pagtitipon ng naturang lahi.

Umabot sa 2,397 aso, nalampasan ang dating rekord na 1,685 sa Vancouver, Canada. Bagama’t nakabinbin pa ang sertipikasyon mula sa Guinness World Records, tinawag ng mga organizer ang kaganapan bilang malaking tagumpay para sa komunidad ng mga dog lovers.

Sa kabila ng dami ng dumalo, nanatiling maayos at ligtas ang pagtitipon, at walang naiulat na insidente.