--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng City Health Office o CHO 1 na mabakunahan ang higit dalawampung libong katao sa isasagawang 3 day Vaccination Drive na may temang Bayanihan Bakunahan Ligtas Lakas Buong Pinas sa ika dalawampu’t siyam ng Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Errol Maximo ang Health Education Promotion Officer, City Health Office 1 sinabi niya na Kabataan may edad labing dalawa hanggang labing pito ang prayoridad na mabakunahan  bilang kontribusiyon sa tugon ng bawat pamilyang Pilipino laban sa COVId 19.

Puntirya ng CHO na mabakunahan ang 20,397 katao sa Lunsod at limang daang libong katao naman para sa buong rehiyon dos.

Tiniyak ng CHO na handa ang kanilang tanggapan gayundin na may sapat na bilang ng vaccinators na makikiisa sa tatlong araw na vaccination drive.

--Ads--

 Activated na rin ang mga Vaccination Area sa Lunsod kabilang ang mga Vaccination area sa barangay Nung-Nungan Dos, Minante uno,Marabulig Community Center, SM, Villa Luna,at Fl Dy Collesium maliban pa sa ilang paaralang tutunguhin ng CHO upang magsagawa ng bakunahan sa mga kabataan na kinabibilangan naman ng Cauayan National Highschool, Villa luna highschool, San Antonio National highschool,Sillawit National highschool at Isabela State University-Cauayan Campus.

Pinayuhan ni Health Education Promotion Officer Maximo ang mga residente ng Lunsod na antabayanan ang mga ipapalabas na schedules ng bayanihan bakunahan ng Local Government Unit sa kanilang offical facebook page.

Bagamat prayoridad na mabakunahan ang mga kabataan edad labing dalawa hanggang labing pito ay bukas ang CHO na tumanggap ng mga vaccinee na may edad labing walo pataas.

Muling hinikayat ng CHO 1 ang mga residente ng Lunsod na makiisa sa vaccination drive na layuning  mabakunahan ang labing limang milyong pilipino sa loob ng tatlong araw na bayanihan bakunahan na isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang lahat ng Pilipino laban sa COVID 19.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Errol Maximo .