Nakaalerto na ang puwersa ng kapulisan sa buong Lambak ng Cagayan bilang paghahanda sa paggunita sa anibersaryo ng Martial Law na gaganapin sa Setyembre 21, 2025, kasabay ng inaasahang malawakang pagtitipon sa rehiyon.
Batay sa tala ng PRO 2, nasa 2,957 na tauhan ng kapulisan ang itinalaga sa mga checkpoint, border control areas, police visibility zones, reactionary standby support forces, at civil disturbance management teams sa mga inaasahang sentro ng aktibidad sa mga pangunahing lungsod at bayan ng rehiyon.
Kaugnay nito, sinimulan na rin ang pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad at ang pagsasaayos ng mga contingency plan upang matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng nasabing aktibidad nang walang aberya sa mga mamamayan at daloy ng trapiko.
Nagpaalala rin ang PRO 2 sa publiko na panatilihin ang disiplina at makipagtulungan sa mga kapulisan upang matiyak ang isang ligtas na paggunita ng nasabing aktinidad. Pinayuhan din ang mga dadalo na iwasang magdala ng ipinagbabawal na kagamitan tulad ng kutsilyo, matutulis na bagay, at iba pang delikadong gamit.











