--Ads--

Nadiskubre ng pulisya ang milyong-milyong halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa ilalim ng Canao Bridge sa Brgy. Bulanao.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman nakalagay sa dalawang sako ang mga hinihinalang marijuana bricks na tumitimbang tatlumpung kilo at nagkakahalaga ng 3, 600,000 pesos.

Ayon sa pulisya hinalo ang mga iniwang marijuana sa mga sako ng basura at nadiskubre ito matapos makatanggap nang impormasyon ang kapulisan mula sa isang indibidwal.

Hinala ng pulisya posibleng iniwan ang mga iligal na droga sa lugar dahil dahil sa takot ng mga may dala nito na mabuko dahil kaliwa’t kanan umano ang checkpoint sa lungsod.

--Ads--

Sa ngayon ay kasalukuyan na ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa posibleng pagkakatunton ng mga nasa likod nang pag-iiwan sa mga kontrabando.