--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumampa na sa labimpitong mga munisipalidad ang nakapagtala ng pinsala sa sektor ng palaisdaan dahil sa Bagyong Nika.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jerico Gibe ang Provincial Fishery Officer ng BFAR Isabela sinabi niya na labing pitong munisipyo at dalawang Lunsod ng naapektuhan ng Bagyong Nika kabilang ang City of Ilagan, Sta. Maria, Maconacon, Benito Soliven, Cabatuan, Naguilian, Alicia, Ramon, Dinapigue, Santiago City, Aurora, Burgos, Quezon, Cauayan City at San Agustin.

Sa kanilang datos, 362 na fisherfolks na ang naapektuhan ng Bagyong Nika sa buong Lalawigan ng Isabela.

Ilan sa mga naitala nilang pinsala ay ang fishpond for hatchery habang may ilan na for harvest na gaya ng tilapia at ang pinaka-naapektuhan ay ang mga fish cages sa Ramon, Isabela.

--Ads--

Sa ngayon ongoing pa ang validation ng BFAR Isabela at ang datos na makakalap ay ipapadala naman nila sa Department of Agriculture para sa mga tulong na ipagkakaloob sa mga mangingisda.