Nagkasa ng operasyon ang mga bumbero sa Lungsod ng Guatemala, kung saan isang bus ang nahulog sa maruming ilog Lunes, Pebrero 10, na nagresulta sa pagkamatay ng higit 50 pasahero.
Ayon sa Fire Department, ang bus ay papunta sa kabisera ng Guatemala mula sa bayan ng San Agustin Acasaguastlan sa El Progreso nang mawalan ng kontrol ang driver at makabangga ng ilang maliliit na sasakyan bago nahulog sa bangin.
“Patuloy ang paglusong ng bus, nabangga ang metal na barriers, at nahulog sa isang bangin na may lalim na 20 metro (65 talampakan) hanggang sa umabot ito sa ilog na kontaminado ng dumi,” ayon kay Carlos Hernandez ng departamento.
Isinasagawa na ng tanggapan ng Public Prcecutor’s Office ang imbestigasyon ukol sa aksidente upang alamin ang sanhi ng isa sa pinakamalala at pinakamatinding aksidente sa kalsada sa Latin America nitong mga nakaraang taon.





