--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ang Kagawaran ng Pagsasaka o DA Region 2 ng Higit Limang daang milyong piso na pinsala sa mga pananim sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino sinabi niya na may ilang pananim na sana ay maaari pang mag recover ang tuluyang nasira dahil sa mabagal na paghupa ng tubig baha.

Sa talaan ng DA 40% ng standing crops ang nasa maturity ang napinsala ng bagyong Kristine habang higit 96,000 ektarya ang nasa reproductive stage.

Pinakamalaking pinsala ang naitala na 521, 329,231 pesos , 506 Million dito ang partially damage.

--Ads--

498 Million dito ang naitala sa Isabela na pawang nasa reproductive at maturity stage habang humigit kumulang 382 hectares ang partially damage sa Isabela.

Samanatala, higit 3 million naman ang naitalang value of losses sa Lalawigan ng Quirino.

Sa kasalukuyan ay wala pang datos na pumapasok mula sa mga damage crops sa Lalawigan ng Cagayan dahil hindi pa natatapos ang ginagawang validation.

Wala namang masyadong naiatalang pinsala sa pananim na mais dahil higit 50,000 standing crops na lamang ang hindi naani bago pa man tumama ang Bagyong Kristine.

Ang Estimated Value of Losses sumampa ito sa 393 ektarya na mag kabuuang halaga na 9 million pesos para sa Cagayan habang may 124 ektaryang pinsala naman sa Quirino na may higit isang milyong Estimated of Losses.

Maliban sa mga nasirang pananim ay naapektuhan din ang mga palaisdaan kung saan pumalo sa 3 million ang partially damage na nakaapekto sa 128 fisher folks.

 Inaasahang mas lalaki pa ang Estimated value of loss dahil sa hindi pa humuhupa ang pagbaha sa malaking bahagi ng Region 2.

Dahil sa mga naitalang pinsala ay abala ang DA sa pamamahagi ng buffer stock seeds na nakapaloob sa Quick Response Fund o QRF para sa mabilisang pammahagi sa mga apektadong magsasaka.