--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 5,000 pirasong illegal vape products ang nakumpiska ng Bureau of Internal Revenue o BIR Isabela sa isinagawa nilang operasyon sa mga vape shops sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Robertson Gazzingan, Revenue District officer ng BIR Isabela, sinabi niya na aabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang vape products.

Aniya, ang mga vape products na walang Internal Revenue Stamp ay maituturing na ilegal dahil may posibilidad na ito ay smuggled o illegally manufactured.

Maaari anyang ma-penalty ang mga retailers na mapapatunayang nagbebenta ng illegal na vape products at maaaring masampahan ng criminal case.

--Ads--

Nilinaw naman niya na ang magse-secure ng internal revenue stamp sa mga vape products ay mga manufacturer ngunit nakadepende naman umano sa mga retailer kung tatangkilik sila ng mga produktong iligal.

Magpapatuloy pa ang operation ng BIR sa mga vape shops sa lalawigan.