--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsipagtapos na ang 63 na sundalo ng CL-03-2025 na sumailalim sa 45-days Infantry Orientation Training (IOT) sa loob ng 5th Division Training School sa Camp Melchor Dela Cruz.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion sinabi niya na , nagsilbing Guest of Honor and Speaker si Col. Narciso B. Nabulneg Jr. Chief of Staff ng 5ID

Ang mga nagtapos na sundalo ay dumaan sa ibat-ibang pagsasanay na may kaugnayan sa Infantry Operations na ang layunin ay sugpuin ang terorismo sa nasasakupan ng 5ID.

Ang mga bagong sundalo ay mula sa ibat-ibang lugar sa bansa gaya ng Isabela, Cagayan, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Pangasinan, Quezon Province, Visayas at Mindanao.

--Ads--

Unang sumailalim ang mga nasabing sundalo sa apat na buwang Basic Military Training (BMT) sa Training Command (TRACOM), Capas, Tarlac sa taong 2024.

Ang Layunin ng IOT na linangin ang kasanayan ng mga sundalo hindi lamang sa larangan ng pakikidigma kundi pati na rin sa agarang pagtugon sa mga kalamidad na hinaharap ng bansa.

Ang IOT CL-03-2025 ay binubuo ng 61 na lalake habang dalawa sa mga ito ay babae na nagmula sa ibat-ibang probinsya gaya ng Isabela, Cagayan, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Pangasinan, Quezon Province, Visayas at Mindanao.

Samanatala, Ipinag diwang din ng 5th ID ang National Womens Month na may temang “Babae sa lahat ng sektor kaharap ang bukas sa bagog Pilipinas”.

Dito ay pinagtibay nila ang kahalagahan ng lahat ng mga kababaihan hindi lamang haligi ng tahanan kundi tagapagtanggol ng kapayapaan at katuwang sa pagbuo ng isang progresibong bansa.

Kung matatandaan kahapon ay binuksan sa publiko ang West Philipine Sea Gallery Exhibit bilang bahagi ng knailang 128th founding anniversary.

Nagsagawa rin sila ng Simultaneous Blood Letting Activity sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) Santiago City, Isabela

Layunin ng simultaneous nationwide bloodletting activity na ito na makahikayat ng mas maraming blood donors at maitaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng pagdo-donate ng dugo.