--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpaalala ang Departmenr of Labor and Employment sa mga employer sa pagbibigay ng 13th month pay at pagbabayad ng holiday pay.

Higit 70 na mga employers non complaint sa pagbibigay ng 13th month pay sa Region 2, ito ay mula sa 644 na establisyimento na kanilang na inspect.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Mary Gladys Paguirigan ang DOLE Region 2 Mediator Arbiter sinabi niya na ang pagbibigay ng 13th monthpay ay panghkalahatan subalit may ilang mga negosyo ang exempted kabilang ang mga employers na nagbabayad ng 13th month pay sa ilalim PD 859, employers of household helpers, at mga employers na nag papatupad ng commission o incentive basis.

Nilinaw naman niya na sa ilalim ng Kasambahay Law ay kasali sa mga dapat mabigyan ng 13th month pay ang mga kasambahay.

--Ads--

Kung sakali na hindi na kapagbigay ng 13th month pay ang employer ay mag lalabas ang DOLE ng compliance order kung saan bibigyan sila ng 20 days para tumalima at ibigay ang angkop na 13th month pay ng kanilang empleyado.

Kapag hindi tumalima ay saka sila maghahain ng writ of execution kung saan mag hahanap ang DOLE ng property o ari-arian ng employer na maaaring kunin bilang pampayad sa empleyadong hindi nabigyan ng knaiyang 13th month pay.

Samanatala, nagpaalala din sila sa tamang paraan ng pagbabayad sa 3 holidays sa Disyembre kabilang ang isang Special non-working day.

Aniya, ang mga mangagawa na pumasok sa ilalim ng special non working day ay dapat makatanggap ng 30% ng kaniyang arawang sahod, habang ang mga papasok sa regular holiday asy entitled para sa double pay.

Sa katunayan aniya sa paulit ulit na paalala ng DOLE ay marami parin silang natatanggap na reklamo kaugnay sa maling pagbabayad ng holiday pay ng mga employer.

Bagamat hindi dumadaan sa midiation ay nalalaman nila na ang isang employer ay bigong tumalima sa tamang pagpapasahod sa pamamagitan ng inspection.