--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 8,637 Pamilya o katumbas ng 30,095 indibidwal ang apektado ng bagyong Goring.

Pinakamaraming munisipalidad na apektado ay sa Cagayan na may dalawamput isang munisipalidad, siyam sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes na may tig-isa.

144 pamilya mula sa Batanes at Cagayan ang kasalukuyang nananatili sa Evacuation Center.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OCD Region 2 Information Officer Sunshine Asuncion sinabi niya na sa ngayon ay pahirapan ang komunikasyon at mobile services sa isla ng Calayan na isa sa mga inaasahang naapektuhan sa Bagyong Goring matapos isailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal number 4 kahapon.

--Ads--

Batay sa kanilang monitoring nakapagtala sila ng isang totally damage house sa Tuao Cagayan matapos mabagsakan ng puno habang tatlo ang bahagyang napinsala sa Sta. Ana Cagayan.

Samantala nakikipag ugnayan na sila ngayon sa PAGASA dahil sa inaasahan namang epekto ng panibagong sama ng Panahon na Bagyong Hanna habang papalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Goring.