--Ads--

Hindi bababa sa 148 katao ang namatay at daan-daan pa ang nawawala matapos masunog at tumaob ang isang motorized na bangka na HB Kongolo, sa Ilog Congo.

Lulan nito ang humigit-kumulang 500 pasahero mula Matankumu patungong Bolomba.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog habang may nagluluto sa loob ng bangka.

Marami ang nalunod matapos tumalon sa ilog kahit hindi marunong lumangoy.

--Ads--

Humigit-kumulang 100 ang nakaligtas, at ilan ay ginagamot dahil sa paso.

Karaniwan ang ganitong insidente sa Congo dahil sa sobrang sakay at lumang bangka.