CAUAYAN CITY- Tinatayang nasa 1,280,077 National ID’s at E-Phil ID’s na ang naipamahagi ng Philippine Statistics Authority o PSA Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela sinabi niya na sa ngayon ay may ilang mga nakatanggap na ng National ID Card ang nagpa-replace o nagpapalit na dahil sa ilang problema gaya ng nabuburang mga larawan habang may ilang nag pa-update.
Aniya tinatayang aabot ng higit isang linggo ang pagpapapalit ng National ID Card gayunman nagbibigay sila ng E-phil card bilang temporary ID.
Sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na reklmao kaugnay sa unauthorized printing ng National Cards gayunman aminadado siyang pinag-aaralan na rin nila na ibaba ang printing ng ID’s sa lokalidad.
Muli naman nilang hiniling ang pangunawa ng Publiko sa releasing ng National ID’s dahil ginagawan na ng paran para mas mapabilis ito muli naman nagbabala siya na bawal na ipaprint ang digital ID’s dahil ipinagbabawal ito sa batas.