NUEVA VIZCAYA – Nasabat ng pulisya ang mahigit dalawang daang libong pisong halaga ng mga finished furniture product sa Calitlitan, Aritao.
Naaresto ang suspek na si Marcelino Dizon sa DENR Checkpoint sa nabanggit na lugar sakay ng L-300 Close van na nakarehistro sa pangalan ng isang Danilo Ramirez na may kargang anim na raan at tatlumpung piraso ng magkahalong puno ng G Melina, Mahogany at mga semi-finished furniture narra products na nasa halos isang libong board feet.
Ang nasabing finished furniture product ay tinatayang nasa 205,381 pesos ang halaga.
Walang maipakitang dokumento ang suspek sa mga nakuha sa kanyang mga produkto kaya siya inaresto ng mga otoridad at inimpound ang kanyang dalang sasakyan kasama ang mga kontrabando.
Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.