--Ads--

CAUAYAN CITY- Natukoy na ng Santiago City Police Office ang pagkakilanlan ng may-ari ng dalawang sasakyan na ginamit ng mga rebeldeng New Peoples Army sa pagsalakay sa Maddela Police Station sa Quirino.

Ang Isuzu Forward truck na may plakang REX 213 at blue isuzu elf na may plakang NMO 158 ay pagmamay-ari ng isang negosyante na may negosyong palay buying station.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pulisya ang dalawang sasakyan ay inupahan ng isang taga Alicia, Isabela na ibibiyahe sa Jones, Isabela.

Habang bumibiyahe ang sasakyan noong umaga ng April 29, 2017 ay hinarang umano ng mga armadong kalalakihan ang 2 sasakyan at kanilang tinangay kasama ang dalawang tsuper nito.

--Ads--

Hindi anya kaagad iniulat ng negosyante ang pagtangay sa kanilang dalawang sasakyan at kahapon lamang iniulat sa Santiago City Police Office dahil maging ang kanilang dalawang tsuper ay tinangay din ng mga armadong kalalakihan.