--Ads--

Hindi bababa sa 60 na katao ang hinihinalang nasawi sa pagsabog ng American Airlines flight 5342 mula Wichita na nakatakda sanang mag landing sa Reagan International Airport in Washington D.C.

Sumabog ang eroplano sa himpapawid matapos itong mabangga ng isang military Black Hawk helicopter.

Isang malawakang search and rescue operation ang isinasagawa matapos magkaruon ng midair collision ang isang Army Black Hawk helicopter at isang American Airlines jet sa Reagan National Airport sa Arlington, Virginia noong gabi ng Miyerkules.

Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA), ang isang PSA Airlines Bombardier CRJ700 regional jet ay nakabangga ang isang Sikorsky H-60 helicopter habang papalapit ito sa Runway 33 ng Reagan National Airport (DCA).

--Ads--

Ang PSA Airlines ay nagsisilbing Flight 5342 para sa American Airlines at nagmula sa Wichita, Kansas.

Samanatala, Sinabi ng Philippine Embassy sa Washington D.C. na wala silang natanggap na ulat ng Pilipinong sangkot sa air mishap malapit sa Reagan National Airport.

Inihayag ng airport nitong Miyerkules na itinigil ang lahat ng takeoffs at landings sa pagresponde ng emergency personnel sa aircraft incident.