--Ads--

Hindi lahat ng may Passion sa trabaho ay nakukumpirma ng CA- Cong. Albano

CAUAYAN CITY – Ikinatuwiran ni Kinatawan Rodolfo Albano ng 1st District ng Isabela at isa sa mga miyembro makapangyarihang Commission on Appoints hindi lahat ng may passion sa trabaho at may good intensions ay nakukumpirma ng CA.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Albano na bagamat si outgoing DENR Secretary Gina Lopez ay mayroong passion sa trabaho ay karamihan sa mga mambabatas na miyembro ng CA ay hindi pumabor sa kanyang kompirmasyon.

Nanindigan si Albano na bagamat may passion sa trabaho ang isang opisyal ay hindi nangangahuluhan na tama ang kanyang ginagawa.

--Ads--

Binanggit pa ni Cong. Albano ang kasabihang “The road to hell is paved with good intension”

Tumanggi naman ang mambabatas na sabihin ang kanyang naging boto dahil sa mawawala o malalabag umano ang tinatawag na secret balloting.

Matatandaan na kahapon ay ibinasura ng Commission on appointments ang kompirmasyon ni Kalihim Lopez makaraang hindi makakuha ng sapat na boto para sa kanyang kompirmasyon.