--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi lahat ng mga kurso ay applicable ang online classes dahil mayroong nangangailangan ng hands on.

Ito ang binigyang diin ni Dr. Ricmar Aquino, Pangulo ng Isabela State University System sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Sinabi ni Dr. Aquino na sa pagsasagawa ng online learning ay malaking factor ang connectivity ng mga mag-aaral at ng paaralan.

Ayon kay Dr. Aquino mahalaga ang connectivity upang maibigay ang tamang serbisyo sa pag-aaral ng mga estudyante.

--Ads--

Kinakailangan aniyang gumawa ng pamamaraan sa ilalim ng online classes upang maging epektibo ang pag-aaral ng mga bata.

Mahirap anya ang nakasanayan pangunahin na sa laboratory activities o sa mga may kursong engineering na kinakailangan ang hands on experiences.

Mas effective pa rin ang hands on kaysa virtual learning ngunit kinakailangang makapag adjust sa panahon ngayon.

Ito aniya ang malaking hamon na dapat harapin upang hindi makompromiso ang pag-aaral ng mga kabataan.

Sinabi naman ni Dr. Aquino na kung kinakailangan nilang magsagawa ng hindi online classess ay mahigpit na lamang nilang ipapatupad ang social distancing.

Tinig ni Dr. Ricmar Aquino.