--Ads--

CAUAYAN CITY – Napakahalaga na mapag-aralan ang proseso ng pagbabago ng porma ng pamahalaan dahil kailangang kasama ang taumbayan para mabigyan sila ng sapat na kaalaman maging sa gastos sa sistema ng paglipat sa federal na sistema.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni dating Solicitor General Florin Hilbay na maganda ang idea na palakasin ang bawat rehiyon para mabilis na matulungan ang mga mamamayan ngunit dapat may alternatibo na hindi nagpapalit ng Konstitusyon.

Kahit maganda ang idea kung may mas mura na paraan malutas ang problema ng mga mamamayan ay dapat na ito muna ang gawin.

Hindi pa handa aniya sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan patungong federal dahil lumabas mismo sa survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS).

--Ads--

Ayon kay Atty. Hilbay, kailangang maging handa muna ang mga mamamayan bago isulong ng mga pulitiko para magkaroon ng kredibilidad ang proseso at hindi isipin ng mga mamamayan na may ibang motibo ang pagsusulong ng charter change.