CAUAYAN CITY– Maraming Overseas Filipino Workers (Ofw’s) sa Libya ang patuloy na tumatanggi na umuwi sa Pilipinas dahil hindi pa nila makukuha ang kanilang pera sa mga bangko dahil sa civil war sa nasabing bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan , inihayag ni Levy Bermudez, tubong Baguio City at nagtatrabaho ngayon bilang nurse sa Benghazi, Libya na ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli ay patuloy ang pakiusap sa mga OFW’s sa Libya na umuwi na sa bansa dahil sa lumalalang kaguluhan.
Sinabi niya na karamihang Ofw’s sa Libya ang nakikiusap sa pamahalaan na manatili muna sa nasabing bansa upang hintayin ang kanilang sahod na ma-remit sa bangko.
Umaasa aniya ang mga manggagawang Pilipino na kapag natapos ang civil war sa Libya ay babalik sa normal ang operasyon ng mga bangko dahil umaabot na sa tatlong hanggang apat na taon na hindi nawithdraw at hindi nairemit ang kanilang sahod mula sa mga bangko
Marami namang Ofw’s ang maganda ang trato sa kanila ng mga employer kaya sinusuklian nila ng tapat na serbisyo.