--Ads--

Maituturing na makasaysayan o historical ang naganap na sesyon sa Senado ng Estados Unidos kung saan wala ni isa sa mga nominees ni US President Donald Trump ang naaprubahan ng Senado.

Ito ay matapos mag-walk out si Trump bunsod ng hindi nila pagkakaunawaan ni Senate Democratic Leader Chuck Schumer.

Matatandaan na nitong Sabado ay nag-post si Trump sa kaniyang social media at tinawag na “egregious at unprecedented” si Schuck matapos itong humiling na alisin ang freeze sa National Institutes of Health (NIH) at foreign aid funding kapalit ng kaniyang pag-apruba sa 60 appointeed ng Pangulo.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, ito ang unang pagkakataon na wala man lang ni isang nominee ang nakakuha ng pag-apruba sa senado bago mag-adjourn para sa recess ang senado.

--Ads--

Umaasa naman sila na sa muling pagsisimula ng sesyon sa Setyembre 2025 ay magkakaroon ng pagbabago sa mga patakaran upang mas mapabilis ang nominasyon lalo na at malaki umano ang maitutulong ng mga ito upang mas lalong maging maganda ang takbo ng Estados Unidos.

Aniya, bagaman unprofessional ang pag-walk out ni Trump ay naiintindihan naman nito ang frustrations ng pangulo lalo na at hindi biro ang pagbabalik ng $1Billion dollars cut na hinihingi nito pangunahin na sa Medicare at Medicaid.

Sa mga nakalipas kasi na pagkakataon ay 60,000 illegal aliens ang nakikinabang sa naturang insurance subalit kinailangan itong I-cut ng pamahalaan upang maibigay ang benepisyo sa mga americanong nangangailangan.