CAUAYAN CITY- Pinaigting ng Department of Publict Order and Safety (DPOS) ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Santiago City.
Dahil sa pahihigpit ay tumaas din ang bilang ng mga nahuhuli na umabot sa 54 noong buwan ng Enero kung saan 14 ang nagbayad ng Multa habang pito naman ang nag-community service.
Samantalang noong pebrero ay nasa 166 ang nahuli walo sa kanila ang nagbayad habang walo rin ang nag-community service.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni DPOS Head Edwin Roxas na mas marami na umanong nahuhuling hindi tumatalima sa ordinanasa dahil dinagdagan pa ng kanilang mga kasapi ang oras ng pagbabantay sa kanilang lansangan.
Dahil hindi kaya ng DPOS na bantayan ang buong lungsod ay nakikipagtulungan ang mga opisyal ng barangay at mga kasapi nang pulisya sa panghuhuli.
Anya pangunahin nilang binabantayan ang mga paaralan upang makaiwas ang mga menor de edad sa paninigarilyo.
Mahigpit ding pinagbabawal ang paninigarilyo 100 metro ang layo mula sa paaralan at ipinagbabawal din ang pagbebenta ng sigarilyo malapit malapit sa paaralan.
kanila rin umanong kinakausap ang mga lugar na nakakakitaan ng maraming upos sigarilyo upang ipagbigay alam ang naturang ordinansa.




