--Ads--

Maramihang pagsabog mula sa pinaghihinalaang suicide bombers ang yumanig sa Maiduguri, Nigeria nitong Lunes ng gabi, kasunod ng isang pag-atake sa military post noong nakaraang gabi.

Ilang katao ang sugatan sa naitalang pagsabog sa pangunahing palengke at ospital, habang ilang bangkay ang natagpuan sa labas ng pasilidad.

Tumaas ang mga serye ng pag-atake mula sa grupong Boko Haram at ISWAP sa hilagang-silangan ng bansa, bahagi ng 16-taong kampanya na pumatay sa mahigit 40,000 katao at nagdisplace ng dalawang milyon.

Tinawag ni Borno State Governor Babagana Zulum na “barbaric” ang mga pagpapasabog at nanawagan ng mas mahigpit na pagbabantay sa pagtatapos ng Ramadan.

--Ads--