Hinimok ang Independent Commission for Infrastructure o ICI na imbestigahan ang umano’y kaugnayan ni First Lady Liza Araneta-Marcos at ni Maynard Ngu, ang tech billionaire sa likod ng Cherry Mobile na nasasangkot umano sa flood control scandal.
Personal na nagtungo sa tanggapan ng ICI si John Santander, isang cultural at peace advocate upang isumite ang kanyang liham ng sentimyento na nakatuon kay ICI Chair Andres Reyes.
Ayon kay Santander, tinanggap ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka ang kanyang liham na nananawagan sa komisyon na siyasatin ang umano’y koneksyon nina Marcos at Ngu.
Matapos isumite ang liham ipinakita ni Santander sa mga mamamahayag ang dalawang litrato na umano’y nagpapakita ng magkasamang pagdalo nina Marcos at Ngu sa ilang okasyon.
Si Ngu ay kamakailan lamang nauna nang naiuugnay bilang umano’y bagman ni Senador Chiz Escudero na isa sa mga mambabatas na nasasangkot sa naturang anomalya.











