Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Labor Advisory No. 4, Series of 2026 na nagtatakda ng patakaran sa pasahod para sa Marso 20, bilang paggunita sa Eid’l Fitr, na idineklara bilang regular holiday sa ilalim ng Proclamation No. 1189, Series of 2026.
Ang mga empleyadong hindi magtatrabaho sa holiday ay tatanggap ng 100% ng sahod, basta’t nasa approved leave sa araw bago ang holiday. Kung ang araw bago ang rest day o non-working day, may karapatan pa rin sa holiday pay kung nagtrabaho o nasa paid leave.
Ang mga magtatrabaho sa holiday ay tatanggap ng 200% ng sahod para sa unang walong oras, at ang oras na lampas dito ay babayaran ng karagdagang 30% ng hourly rate. Kung tumapat ang holiday sa rest day, babayaran ang empleyado ng basic wage x 200% x 130%, at ang overtime ay dagdagan pa rin ng 30%.
Pinaalalahanan ng DOLE ang mga employer na sumunod sa patakaran upang matiyak ang tamang bayad sa mga empleyado sa panahon ng mga deklaradong holiday.











