CAUAYAN CITY- Pansamantalang itinigil ang Home grown community feeding program sa Cauayan North Central School ngayong bakasyon.
Ang programa na pinondohan ng World Food Program, LGU Cauayan at pakikiapgtulungan ng City Cooperative Office ng Cauayan ay ang pagpapakain sa lahat ng mga estudyante sa nabanggit na paaralan na magtatagal ng tatlong taon.
Alinsunod dito, gagamitin ng mga magsasaknag miyembro ng kooperatiba ang buong bakasyon upang ihanda ang mga produktong kinakailangan para sa pagpapakain.
Ayon kay City Cooperative Office Sylvia Domingo, pagkatapos ng mga tanim na palay ay ihahanda ng mga magsasaka ang kanilang bukid para sa pagtatanim ng gulay
Aniya, ngayon palang ay kailangan ng magtanim ng mga gulay upang magkaroon ng suplay kapag balik eskwela na ang mga mag aaral.
Kaya’t tuloy tuloy ang pakikipag usap sa kanilang mga miyembrong magsasaka tungkol sa paghahahanda ng mga itatanim.











