--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga sundalo sa mga tumatakas na kasapi ng New People’s Army ( NPA )sa Sindon Bayabo, Ilagan City.

Naganap ang sagupaan kaninang madaling araw at umayuda sa ground troops ng 95th Infantry Battalion Philippine Army ang dalawang helikopter ng Philippine Airforce.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, sinabi ni Army Capt. Noriel Tayaban, OIC chief ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th Infantry Division Philipine Army na tinatayang 30 hanggang 40 kasapi ng Central Front ng Kulisang Larangan ng Cagayan Valley na nakasagupa ng mga sundalo.

Anya isang sundalo ang nasawi habang tinutugis ang mga tumatakas na rebelde habang isang sibilyan ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.

--Ads--

Isa ring dahilang nagsagawa ng operasyon ang mga sundalo sa nasabing lugar ay dahil doon umano dinala ng mga rebelde ang mga kasamahang nasugatan sa naganap na engkwentro sa Jones at Echague noong nakalipas na linggo.

Ito na ang ikalimang sagupaan ng mga sundalo at rebelde sa Isabela ngayong buwan ng Agosto matapos ang unang apat na sagupaan na naganap sa mga bayan ng Jones at Echague, Isabela.