Handa na ang House Committee on Justice para sa inisyal na pagtalakay sa mga impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa notice of meeting na ipinadala ni Justice Panel chairperson Gerville Luistro sa mga miyembro ng komite at endorsers na kongresista, isasagawa ang pagdinig sa March 2, 3 at 4 sa People’s Center ng Kamara.
Apat ang reklamong impeachment na kinakaharap ni VP Duterte sa Kamara. Kabilang sa mga alegasyon ang umano’y maling paggamit ng P612 million confidential at intelligence funds; kwestyunableng yaman; at pahayag na sakaling may mangyari sa kanya ay may kinausap na siyang tao na papatay umano kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pa.
Isinama rin sa complaint ang paratang ni Ramil Madriaga, umano’y bagman ni VP Duterte, na tumanggap umano ang bise presidente ng pera mula sa sindikato ng ilegal na droga, at POGOs.











