--Ads--

Nanawagan si House Speaker Faustino Dy III sa mga miyembro ng ASEAN parliaments na isulong ang responsableng pamamahala at paggamit ng artificial intelligence (AI) at iba pang umuusbong na teknolohiya.

Ayon kay Speaker Dy, mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na polisiya upang maiwasan ang paggamit ng AI at iba pang makabagong teknolohiya ng mga terorista at grupong naghahasik ng karahasan.

Inilahad ni Dy ang panawagan sa isinagawang parliamentary training course on legislative and policy measures na naglalayong tugunan ang paggamit ng AI at new technologies sa konteksto ng seguridad at karahasan.

Diin ng House Speaker, naging mahalagang bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ang AI, kaya kinakailangan ang mga konkretong hakbang upang matiyak na magagamit ito sa paghahatid ng mas mahusay na serbisyo sa mamamayan at hindi maging sanhi ng kapahamakan.

--Ads--