Isanagawa ngayong araw, Nobyembre 4, 2025, ang libreng house-to-house anti-rabies vaccination sa kabila ng malakas na pag ulan na pangungunahan ng Provincial at City Veterinary Office sa Barangay District I, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Captain Marc De Joya, nakipag-ugnayan ang City Veterinary Office sa kanilang barangay kahapon upang ilunsad ang naturang aktibidad. Dagdag niya, taun-taon itong isinasagawa at malaki umano ang naitutulong nito upang maiwasan ang mga kaso ng rabies sa kanilang komunidad.
Kasama sa aktibidad ang mga barangay opisyal, tanod, at health workers na sasama sa pag-iikot upang gabayan ang mga beterinaryo sa bawat purok.
Anim (6) na team ang itinalaga para sa vaccination drive, bawat isa ay binubuo ng tatlo (3) hanggang apat (4) na miyembro mula sa Provincial at City Veterinary Office. Target nilang mabakunahan ang lahat ng aso sa buong barangay bago matapos ang araw.











