--Ads--
CAUAYAN CITY– Namatay ang isang Ginang matapos tagain sa Barangay Bitabian, San Mariano.
Ang namatay ay si Daisy Pascual, 64 anyos, housekeeper habang ang suspek at si Arvin Pascual, 39 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan iniwan ng biktima ang suspek matapos siyang lapitan habang nagsisiga ng kahoy.
Ngunit sinundan siya sa kusina ng kapitbahay saka pinagtataga at halos maihiwalay ang kaniyang ulo sa katawan.
--Ads--
Ayon naman kay Brgy. Kagawad Robert Aglugob, parang may diperensya sa pag-iisip ang suspek.
Sa ngayon ay pinaghahanap na ang suspek na kaagad tumakas matapos ang pangyayari habang ang labi ng biktima ay nakalagak na sa isang punerarya ng San Mariano, Isabela.




