--Ads--

CAUAYAN CITY – Handa magsampa ng kaso ang isang ginang na muntik nang mapatay ng kanyang live-in partner sa San Mateo, Isabela.

Nakalabas na sa pagamutan ang biktimang si Liberty Caymo, nasa tamang edad ngunit kanyang sinabi na handa niyang kasuhan ang kanyang live-in partner na si Wilson Ramirez, nasa tamang edad na ngayon ay nagtatago.

Ayon kay Caymo, dadalawin sana niya ang puntod ng anak sa sementeryo sa San Mateo nang masundan ng kanyang live-in partner.

Sa sementeryo umano siya pinagpupukpok ng bato sa mukha ni Ramirez .

--Ads--

Ito ang dahilan kung bakit hindi na makakita ang isang mata ng biktima.

Inihahanda na ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ang kaukulang kaso laban kay Ramirez.