--Ads--

CAUAYAN CITY-Inilunsad ng Highway patrol group (HPG) Isabela ang pagbibigay ng libreng helmet sa mga motoristang mahuli na walang helmet sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Rey Sales, Provincial officer ng HPG Isabela, sinabi niya na ilang buwan na ang nakakalipas nang ilunsad nila ang nasabing proyekto matapos mapansin na karamihan sa mga nahuhuling lumalabag sa batas lansangan ay hindi nagsusuot ng helmet.

Aniya sa pamamagitan ng panghuli nila ng mga motoristang walang helmet na bibigyan nila ang libreng helmet.

Ayon kay Maj. Sales ang nasbaing proyekto ay inilunsad province wide sa ibat ibang bayan at lunsod sa Isabela.

--Ads--

Nilinaw naman niya na bagamat bibigyan nila ng libreng helmet ang motoristang mahuhuli ay papatawan pa rin ito ng kaukulang parusa.

Ang lumabag sa hindi pagsusuot ng helmet ay bibigyan ng citation ticket na mula sa LGU na mas may mababang multa kumpara sa citation ticket na mula sa Land Transportation Office (LTO).

Sa ngayon ay bukas ang proyekto ng HPG para sa ibat ibang organisasyon, grupo, samahan at pribadong indibiduwal na magnanais na mag sponsor o magbigay ng helmet na maipapamahagi naman sa motoristang nangangailangan ng helmet.

Samantala abala pa rin ang HPG sa pagpapatupad ng minimum health protocol sa mga sasakyan o terminal sa lalawigan para matiyak na ang mga pasahero at ang kundoktor ay nagsususot ng facemask at faceshield.

Aabala din ang HGP Isabela sa pagmamando sa checkpoint pangunahing na sa entry point sa Cordon, Isabela para matiyak na hindi maantala ang paghahatid ng essential goods.

Bagamat abala ang HPG sa pangangasiwa sa mga lansangan at paglaban sa COVID 19 ay tiniyak naman niyang tuloy tuloy pa rin ang ang kanilang anti carnapping campaign.

Tinig ni Major Major Rey Sales, Provincial officer ng HPG Isabela