--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang Highway Patrol Group (HPG) Region 2 sa mga Local Government Units (LGUs) na huwag maging ningas-kugon kaugnay sa implementasyon ng mga batas sa lansangan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pcol. Rodel Pastor ng HPG Region 2, sinabi niya na dapat magkaroon ng makatotohanang pagpapatupad ang mga lokal na pamahalaan sa mga inilalabas na kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa mga batas sa lansangan.

Napapansin kasi aniya nila na unti-unti nanamang bumabalik ang mga obstruction sa mga lansangan pagkatapos ng isinagawang validation ng DILG.

Samantala, inihayag din niya na dapat magkaroon ng pangil ang mga kinaukulan at nang lokal na pamahalaan sa pagbabawal sa mga tricycle sa pambansang lansangan.

--Ads--

Hinikayat din niya ang mga motorista na sumunod sa mga nagpapatupad ng batas sa lansangan para mabawasan ang mga nangyayaring aksidente.

Tinig ni Pcol. Rodel Pastor ng HPG Region 2.