--Ads--

CAUAYAN CITY– Hinihinalang itinapon lamang ang bangkay ng lalaking natagpuan sa Santa Maria, Alfonso Lista, Ifugao

Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni Police Inspector Nelson Venus, OIC chief of police ng Alfonso Lista Police Station nakita ng isang manggagawa ang bangkay ng biktima na agad nag-ulat sa himpilan ng pulisya.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Alfonso Lista Police Station nakita ang hubad na bangkay malapit sa irigasyon na nakasuot lamang ng pang-ibabang saplot, may tangkad na 5’2′, mayroon ear piercing sa dalawang tenga, mayroong tattoo na colored butterfly sa kanyang likurang balikat at mayroong edad 20-30

Lumabas sa autopsy na pinalo ng matigas na bagay ang ulo ng biktima.

--Ads--

Maari din anyang sinakal saka pinukpok sa ulo ang biktima na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Sinabi pa ni Inpector Venus na maaring tinapon lamang ang biktima sa lugar kung saan natagpuan ang kanyang bangkay.

Nasa punerarya Carbonel na sa Santa Maria, Isabela ang labi ng biktima.