--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinawalang-sala ng Muntinlupa RTC Branch 206 si dating Senador Leila de Lima sa kanyang huling kaso kaugnay sa ilegal na droga matapos ang mahigit 7 taon.

Dahil dito ay abswelto na siya sa lahat ng tatlong kaso ng droga dahil sa paratang na sabwatan para gumawa ng illegal drug trading na inihain ng DOJ sa ilalim ng Duterte administration.

Una nang napawalang sala si De Lima sa dalawang kaso nito noong February 2021 sa Muntinlupa City RTC Branch 205 at noong Mayo 2023 naman pinawalang-sala ng korte sa Muntinlupa sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading.

Matatandaan na noong buwan ng Pebrero 2017 nang makulong si De Lima sa Camp Crame dahil sa alegasyon na umano’y nakinabang siya sa kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison noong kalihim palang siya ng Department Of Justice kung saan mariin nitong pinabulaan ang mga bintang laban sa kaniya.

--Ads--