--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinasapinal na ng Election Registration Board (ERB) members ang kanilang datos ng mga botante sa nalalapit na botohan.

Ang Election Registration Board (ERB) ay kinabibilangan ng hanay ng Schools Division Office, City Civil Registrar Office, at tagapamuno ng Our Lady of the Pillar Parish Church Cauayan City.

Sa ginanap na hearing, masugid na sinuri ng mga ERB members ang mga pangalan ng mga botante at tinanggal sa listahan ang mga pangalan ng mga pumanaw na at lumipat na ng ibang lugar.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, sinabi niya na ito na ang huling araw na magsasagawa ng ERB hearing upang isapinal ang mga datos at upang magkaroon ng breafing sa gaganaping voting day.

--Ads--

Kinakailangan din aniya ang tulong ng Schools Division Office para sa mga election servers na kinakailangan sa araw ng botohan. Pinag-uusapan na rin aniya nila na mahigit isang libong kaguruan ang kinakailangan para magbantay sa mga voting precints sa lungsod ng Cauayan.

Habang ang hanay naman ng City Civil Registar Office ay upang magbigay ng updated list ng mga listahan ng mga yumaong indibidwal.