CAUAYAN CITY- Tutol ang isang Human Rights Lawyer sa pahayag kamakailan ni House Secretary General Reginald Velasco kaugnay sa pagbabawal ng pagsusuot ng damit na may slogan at imahe ng anti-government protest sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr .
Sa naging ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Neri Colminares sinabi niya na unang- una hindi umano ito private party para pagbawalan magpunta ang mga tao at hindi dapat piliin kung sino lamang ang maaaring pumasok kaya hindi makatuwiran na ipagbawal ng kongreso ang protest shirts dahil lamang posibleng makasakit sa dmdamim ng Pangulo.
Babala niya sa Kongreso na ang pagbabawal ng protest shirts ng oposisyon ay isang paglabag sa freedom of expression at handa silang magsampa ng kaso ukol rito sa oras na pinagbawal ito sa SONA ni PBBM.
Ipinaliwanag naman ni Velasco na ang SONA ay hindi oras at lugar upang magpahayag ng mga protesta
Samantala, nagkasolian na ng Kandila ito ang pagsasalarawan ni Atty. Colminares sa kasalukuyang pahayag ni Vice President Sara Duterte na siya ang “Designated Survivor”.
Hindi naman mandated o maaari naman talagang hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa Sate of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Aniya ang mga pahayag ni VP Sara ay tila nagpapahiwatig ng lamat sa estado ng relasyon nila ng Pangulo.