--Ads--

Dapat umanong ikonsidera ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumalik na sa International Criminal Court at simulan ang pag-iimbestiga sa iba pang sangkot sa drug war.

Ayon sa human rights watchdog, ang pagbusisi sa isyu ng extrajudicial killings ay hindi maituturing na political tool laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Conde, ang hindi pagtutok sa mga kaso at pagbalik sa ICC ay lalo lamang magdudulot ng galit ng mga tagasuporta ni Duterte dahil magmumukhang ginamit lamang ni Marcos ang isyu para sa pamumulitika.

Matatandaan na makailang ulit na sinabi ni Marcos na hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksyon ng ICC ngunit sinabi rin na hindi nito matatanggihan ang hiling na tulong mula sa International Police Organization o Interpol, para isilbi ang ICC warrant.

--Ads--

Ani Marcos, ang nangyari noong nakaraang linggo ay ang inaasahan ng international community na nararapat gawin.

Samantala, sinabi rin ng senior researcher na hindi lamang si Duterte ang nag-iisang suspek sa war on drugs kundi maging ang pwersa ng kapulisan sa panahon ng administrasyong Duterte at si re-electionist Bato Dela Rosa, na chief implementor ng war on drugs.

Matatandaan na sinabi ni Dela Rosa na handa niyang samahan si Duterte sa The Hague.