--Ads--

Tuloy-tuloy ang isinasagawang Humanitarian and Disaster Response Operation ng hanay ng Special Forces na kasalukuyang naka-base sa 2nd IPMSC.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 1Lt. Jeric Labarinto, commander ng Special Forces sa Cauayan, sinabi niyang tuwing may bagyo ay prayoridad ng kanilang hanay na mapuntahan ang mga mamamayang nasa mababang lugar.

Aniya, karaniwan nilang tinutulungan ang mga lugar na laging binabaha, lalo na sa kasagsagan ng bagyo. Giit pa ni Labarinto, kahit walang bagyo ay tuloy-tuloy din ang kanilang pagsasagawa ng mga seminar para sa mga mamamayang nasa mabababang lugar.

Sa ganitong paraan, makatutulong sila upang maihanda ang mga residente na palaging apektado ng baha. Sa kasalukuyan, nag-iikot sila sa mga barangay sa lungsod upang magsagawa ng mga symposium at training para sa mga residente.

--Ads--

Layon ng kanilang hanay na makapag-iwan ng kaalaman sa mga residente at opisyal ng barangay tungkol sa kung paano makapagliligtas ng buhay, lalo na sa mga sitwasyong pang-emergency.

Samantala, nagsagawa rin ang kanilang hanay, katuwang ang PNP Cauayan, ng seminar at outreach program ngayong araw sa mga forest region, at bukas naman ay gaganapin ang seminar para sa mga mamamayan sa lungsod ng Cauayan